COLABORACIONES/ COLLABORATIONS

15/Octubre/2001
ANG IDENTIDAD NG FILIPINO AT NG KANYANG ORIHINAL NA CULTURA BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG FILOSOFIYA AT SINING
Ni Guillermo Gómez Rivera
(Patnugot ng lingguhang ‘Tagalog Chronicle’, Quiapo, Maynila, dating Sekretaryo ng Comité ng Wikang pambansâ, Kombensiyon Konstituyente ng 1971-73 ng Repúblika ng Filipinas)
Manila
 

      1. Ang taong kumikilala sa sarili bilang Filipino o Pilipino may tañging obligasyon o katungkulan na alamín kung ano ang pinagmulán; kung ano ang kawsa o pinagkasanhian ng kanyang paguiguing Filipino o Pilipino. At, upang maabot ang karunuñgan na iyón, kailañgan munang mapatunayan ang konsepto nito, (paguiguing Filipino), bilang isang tañging uri ayon sa kanyang makabansang pagkatao.
      2. Ang pinagmulán ng konsepto ng paguiguing Filipino ay ang mismong acto ng pagpundar ng Estado Filipino ni Miguel López de Legaspi nuong a beynti-kwatro ng Hunyo ng taong mil kinyentos setenta’y uno. Ang pinundar na Estado Filipino sumakop kaagad ng lahat na kinikilala natin ñgayon na Kapuluan ng Filipinas.
      3. Sinabay sa pagpundar ng Estado Filipino ang pagtatag ng Manila, o Maynila, bilang kabisera ng kapuluan kung saan nakaupô ang pamumunuan, pamahalaan, o gobierno, na magpapalakad sa naturang Estado.
      4. Sa gayon, ang fecha ng pagtatag ng Maynila bilang cabecera ng Kapuluan nuong ika a 24 ng junio ng taong isang libo limang daan at pitongpu’t isá (1571) ay aeaw din ng pagfundar at pagtatag ng Estado Filipino na sumasakop sa buong kapuluan sa ilalim ng autoridad nitong Estado. Ang lahat na naguing mamamayan ng Estado Filipino ay ang mga Filipino o Pilipino.
      5. Dahil sa pangyayaring ito, ang mga unang citizen, mamámayán, o súbditos, ng pinundar na Estado Filipino, ay ang mga mismong Español Peninsular na ang tukoy at tawag sa sarile, nuon, ay ang paguiguing “Felipeno”.
      6. At “Felipeno” ñgâ ang naguing klasifikasyon nila dahil sila’y tapat na sumusunod at takipagsilbí ng Haring Felipe Segundo (SI FELIPE, ang pañgalawá) ng España.
Sa gayon, ang pañgunahing konsepto nang paguiguing Filipino ay ang paguiguing takipagsunod ni Haring Felipe Segundo.
      7. Pero nalaman ng mga Fraile sa España na ang kapuluang sinakop nina Señor Legaspi at Señor Salcedo sa dakong silañgan ng Mundo may mga naninirahang katutubô palá. Nalaman din nitong mga Fraile na Español na ang mga katutubong ito ng kapuluan may sarili at kanikaniyang mga Estado Étnico..
      8. Kinakatawan palá ng bawat Estadong Katutubô ang isang particular na bansâ. At ang bawat Estadong Étnico, o bansang katutubô, ay may kanikaniyang pañgalan, kanikaniyang wikâ, kanikaniyang batás, kanikaniyang mga Hari at kanikaniyang territorio o lupa na hiwalay sa mga nagkakaiba-ibang mga ibang Estado Étnico na nandidito din sa mismong kapuluan.
Ang mga pañgalan nitong mga nagkakaibang mga Estados Étnicos ay Tagalug, Kapampañgan, Bikul, Iluku, Bisaya, Samal, mga Lumad na Maguindanao, Sultanatu ng Sulú at iba.
      9. Tinanong ñgayon ng Simbahang Católica ang Haring Felipe Segundo kung ano ang kanyang karapatan sa pagsakop ng mga territorio ng mga Estados Étnicos na mga itó. Nakipagtalo ang mga Filosopong mga Fraile sa Ciudad ng Valladolid sa España. Ang Fraile na si Padre De las Casas, O.P. nagsabi na walang karapatan ang Haring Felipe ng España na sakupin ang mga Katutubó. Sumagot naman ang isa pang matalinong Fraile na si Padre Sepúlveda, O.P., na magkakaroon ng karapatan ang Haring Felipe Segundo na sakupin ang mga katutubó ng nagkakaibang mga Estado Étnicos kapag sumang-ayon ang mga ito na tanggapin siya, si Felipe II, bilang Hari nila.
      10. At upang malaman ng Haring Felipe II kung siya’y talagang tinatanggap na Hari ng mga naturang katutubô, ipinagpasiyá na tawaguin ang mga Pañgulong Hari ng bawat mga Estados Étnicos sa Kapuluan ng Silañgan at tanuñgin ang mga itó kung sumasang-ayon sila na tanggapin siya, si Felipe II, na likas nilang Hari. (John Leddy Phelan, Hispanization of the Phils. P. 23)
      11. Pinadalhan sa Maynila ang mga Español na “Felipeno” ng Cédula Real, o utos, na magdaos ito sila ng Sínodo sa Maynila kung saan pinagtipon-tipon ang lahat na mga Pañgulo ng mga nagkakaibang mga Estados Étnicos upang tanuñgin ito sila kung payag nilang tanggapin bilang likas nilang Hari si Felipe Segundo ng España.
      12. Dinadalhan ng aviso ang bawat hari ng bawat Estado Etnico ng kapuluan at ito sila’y dinala sa Maynila, sa Intramuros. At nang magkita-kita na sila sa Intramuros, tinipon sila sa Plaza Mayor sa harap ng Catedral ng Intramuros at tinanong sila duon kung tinatanggap nila ang Haring Felipe Segundo ng España bilang likas, o natural, nilang Hari. (P.25 Phelan, Hisp. of the Phils.)
      13. Hindi kaagad sumagot ang mga Katutubô. Naghiñgi sila muna nang pahintulot na magpulong-puloñgan ang bawat isa sa kanila tungkol sa bagay na ugnay sa pagkilala sa Hari ng España bilang Hari nila at upang makapagpasiya sila ng tamâ. Tinanong ñgayon nitong mga pañgulo ng bawat at nagkakaibang mga Estados Etnicos na katutubô kung ano naman ang makukuhâ nila kapag tinanggap nila bilang natural nilang soberano o Hari si Felipe Segundo ng España.
      14. Pinag tipon-tipon muli ang mga pañgulong Hari ng mga katutubong Estados Etnicos at sinagot sila ng mga Español (na naguing Felipeno) na kapag binoto nila si Felipe Segundo bilang Hari nila, lahat sila’y maguiguing mga citizen ng España (mga subdito) at sila’y pagsisilbihan, kapalit ng kanilang mga serbisyo, ng naturang Hari ng España..
      15. Ang mga serbisyo na ibibigay sa kanila kapalit ng kanilang katapatan ay:
      (1) Ang pagbuklod ng kanilang mga nagkakawatak-watak na mga Estados Etnicos bilang isang bagong bansa na pañgalanang Felipenas o Filipinas.
      (2) Ang mga Fraile ang s’yang magpapakilala sa kanila ng Catecismo Católico at ang mga mamahalâ upang magbago ang kanilang mga Barangay para ang mga ito’y maguiguing mga barrio.
      16. Pagkatapos, ang iilang mga barrio nila ipagbubuklod ñgayon upang mabuô ang concepto ng isang municipio. Ang iilang municipio naman ibubuklod upang makabuô ng isang naturang provincia at ang mga nagkakaiba-ibang mga probinsiya ang magbubuô ng isang bago at más malaking Estado Filipino na siyang maguiguing bansang Filipinas sa bandang huli.

ggr_flamenco@hotmail.com

( Guillermo Gómez Rivera es Académico Coordinador de la Academia Filipina, Manila )

Don Guillermo Gómez Rivera en e-manila web (in English) :
   tagalog (opinion)    tagalog (genocide)    tagalog (future)    filipino outrage

Collaborations/Colaboraciones:
Ang karahasan sa historia ng Filipinas (1) (2) (3) (4) &
Influencia asiática en el chabacano, & José Balmorí, & The Filipino State, &
Estadísticas: El idioma español en Filipinas, &
El idioma criollo de Filipinas, & Mabuhay, Gloria Macapagal, & Literatura hispano-filipina,
by Guillermo Gómez Rivera
Paulino Alcántara the Pilipino-Spanish football player, by Ian Estenor;
La Academia Filipina, by Tony P. Fernández
Presentation of the Book "Rizal According to Retana" (1) (2) (3) by Liz Medina;
Why the Spanish has disappeared from the Philippines?, by Jess Mendoza;  
Filhispanic Activism & El fenómeno hispano en Filipinas, by José Perdigón
 
Editorials ( English & español) : ¡Hola!¿Kumustá? & Philippines (1898-1946): The re-colonization drama & Phlippines, Spain, Iraq ...Against the war
Spanish Newspapers   Spanish Magazines   Spanish by jokes   What about Spanish?   "Pilipino-castila" names  
Links/Enlaces   Cavite web   Zamboanga web   Have you lodge?
Tuna (Student music group)   Yo te diré (book)   Cine
J. Rizal
 
kaibigan kastila