COLABORACIONES/ COLABORATIONS

05/Febrero/2001
ANG KARAHASAN SA HISTORIA NG FILIPINAS (3)
Ni Guillermo Gómez Rivera
Academia Filipina de la Lengua
Correspondiente de la R. A. E.

Manila
... Anteriores: Ang karahasan sa historia ng Filipinas (1) (2)

(4) ANG MGA CHINO.

POR LA INFLUENCIA ESPAÑOLA SE INTEGRABAN FELIZMENTE PARA HACERSE VERDADEROS FILIPINOS, PERO POR LA INFLUENCIA USENSE Y EL IDIOMA INGLÉS SE LES MIRA AHORA COMO EXTRANJEROS POR PARTE DE LOS INDÍDIGENAS.

      Mapayapa ang kadalasang pagpunta ng mga Chino sa kapuluan. Nagkaroon lamang ng karahasan ang kanilang pagdayo nuong panahon ng mga Orang Dampuan sa bandang 1400. Ang mga Orang Dampuan na Chino gustong sumali sa komersiyo ng maunlad na Sultanato ng Joló sa panahong iyon at sila'y walang pahintulot na nagtatag ng isang sentro ng kalakalan sa hilaga ng Mindanao malapit sa bayan ñgayon ng Dapitan sa Zamboanga del Norte.
      Dahil maganda ang kanilang binibentang mga tela, muebles, pagkain, alhajas (alahas) at sandata, dinayo ng mga mismong mga Moros ang kanilang sentro. Naingguit dito ang mga autoridad na Moros at sinalakay ang kanilang sentro. Sinunog ito at pinagpatay ang maraming mga komersiyanteng Chino. Ang mga naiwang mga Chino nagbuklod at balik na sinalakay ang Sulu at iilang mga sentro ng kalakalan ng mga Moros bilang paghiganti. Pagkatapos niyan, sila'y umalis sa Mindanao. Dahil sa pañgañgalakal, nagfundar ng maliit na comunidad ang mga Chino sa lugar ñgayon na tinatawag na San Nicolás sa bandang Meisic at Divisoria. Pinundar nila ang comunidad na ito ng wala pa ang mga Español. Sila'y naghalo sa iilang mga Tagalog at pinundar ng kanilang mga mestizo ang comunidad ng Binundok.
      Nang dumating si Legaspi, ang hari ng Binundok ay si Lakandula, isang mestizo Chino.
      Nagpundar din ang mga Chino ng ibang comunidad maliban sa Mayi-in-I-la kung-shing-fu. Ang ilan nito ay ang Bayi sa Laguna ngayon at sa Lam-ay sa Santa Ana.
      Naguing marahas lamang ang mga Chino kay Limahong nang tinangkang agawin nito ang kapuluan mulá sa Corona ng España.
      Ang konting mga Español sa pamumuno nina Martín de Goiti at Juan de Salcedo tinuluñgan ng mga Tagalog, Kapangpañgan at mga taga-Panggasinan ng lubusan. Dahil diyan, napalayas si Limahong kasama ang kanyang mga sakop.
      Dumami ang mga Chino sa Kapuluan dahil sa komersiyo ng mga barong Galeon na tinatag ng Hari ng España sa hiñgi ni Legaspi. Ang mga productong Chino, (Seda, Porcelana, Sándalo at iba pa) ang siyang naguing pinakamalaking puhunan sa komersiyong ito ng mga galeones na tumatawid sa mga laut ng Pacífico at Atlántico mula Manila at Acapulco, (México), at mula Veracruz (sa kabilang dako ng México) at sa Cádiz, España, sa Atlántico.
      Dahil sa kanilang pagdami mula sa taong 1565, pinahintulutan sila ng gobierno español na magtatag ng mga marangyâ at magarang mga "Sector de Mestizos" sa Vigan at Malolos at ng mga marangyang Parian sa Maynila, sa Cebú, sa Iloilo, sa Nueva Cáceres, Calamba, Lipa, Santa Cruz, Lukban at iba pang mga cabecerang pamprovincia ng Kapuluan. Ang tawag sa mga Chino na naguing Católico ay Mestizo. Ang may dugong Chino, Katutubo at Español ay isang Mestizo terciado.
      Naguing marahas ang mga Chino ng tinangka nilang agawin ang Filipinas sa España sa pamaguitan ng iilang mga pagsalakay at paghimagsik.. Pero hindi sila nagtagumpay dahil palaguing tumutulong ang mga Katutubo sa mga pañgulong militar na Español. Ang dating di pagtiwalâ ng mga Katutubo sa mga Chino ay makikita sa kasaysayan ng mga mismong Tagalog, Kapangpañgan, Ilocano, Bisaya at ng mga mismong Moros.
      Samantalang naalis, ng unti-unti, itong di pagtiwala sa mga Chino sa Filipinas, ang ganong di-pagtiwalâ patuloy pa rin na umiiral, hanggang ñgayon, sa Indonesia.
      Ang Indonesia ay isang bansâ ng mga Moros. Itong di-pagtiwala ng mga Moros na Indonesio sa mga Chino na humalô sa kanila, palaguing nauuwi sa pagmamasaker ng halos kalahating mga "Ethnic Chinese" sa Indonesia sa loob ngdécada ng 1990. Kung naghalô, dito sa Filipinas, ang dugo ng Chino at Katutubo, at pati na ang lahi ng mga mismong Español, ang paghalong ito nabuo dahil sa may mga Chino at Katutubo na naguing mga mabuting Cristiano mula pa sa simula ng pagtatag ng Estado Filipino nuong 1571.
      Dahil sa paghalong ito, naguing kapansin-pansin ang influencia ng dugong Chino sa maraming Filipino na siyang dumadagdag naman sa kagandahan ng marami ding kababaihan. Sa kasalukuyan ang maaaring maituring na karahasan mulá sa China ay ang walang kataruñgang pag-agaw ng mga islang Spratley na pag-aari ng Filipinas.
 
(5) ANG MGA INGLÉS.

SE LES RECUERDA POR SU SANGRIENTA INVASIÓN EN 1762-64 PERO TAMBIÉN SE LES RECUERDA POR ALGUNAS DE SUS BUENAS CONTRIBUCIONES COMERCIALES.

      Sinalakay ng mga Inglés ang Maynila nuong 1762. Marami silang pinatay at ninakawan na mga Katutubo, mga Chino Crsitiano at mga mismong Español. Ang mga simbahan sa Intramuros nilúting nila. Binuksan nila pati ang mga nicho para tignan kung may nakatago itong mga guintô at alahas ng mga patay. Naiwan sila sa Maynila ng dalawang taon hanggang sila'y umalis nuong 1764.
      Hindi nila nakuhang sakupin ang mga bayan at probinsiya sa paliguid ng Maynila dahil kinakalaban sila ng mga Español sa malaking tulong ng mga Katutubo. Pero, may mga Chino na pumanig sa mga Inglés.
      Sa Ilocos, naman sumanib din sa karahasan ng mga Inglés sina Diego Silang at ang kanyang asawa na si Gabriela. Pinabitay ito sila ng mga Español ng umalis na ang mga marahas na mga Inglés o Británico. Ang mga Chino na naguing taksil pinarusahan din ng kamatayan ng mga Katutubô..
 
(6) ANG MGA HAPÓN O JAPONÉS.

   LOS WASP USENSES CAUSARON SU INVASIÓN DE FILIPINAS EN 1942 Y SO PRETEXTO DE LA GUERRA, MACARTHUR Y MACNUTT CAUSARON EL SEGUNDO GENOCIDIO DE LOS FILIPINOS DE HABLA HISPANA.

      Maraming Japon ang napunta at naiwan sa Luzon mula pa nuong panahon nang hindi pa naitatag ang Estado Filipino. Ang mga Japon na iyon naghalo sa tribu ng mga Igorote sa La Montañosa ng Cordillera.
      Sa panahon ng Estado Filipino, na pinamamahalaan ng Corona ng España, maraming Japones na Católico ang naglipat sa Maynila, lalo na sa mga distrito ng Pacô at San Miguel de Manila.
      Ang mga Católicong Japonés ay pinagbawal ng Emperador ng Japón dahil sa pag-aakala na nilalapastañgan ng mga itó ang ibang relihiyon, tulad ng Budismo at Shinto-ismo, na umiiral din sa Japón. Naniniwala ang mga Japon na ang kanilang Emperador ay anak ng Dios ng Araw at ayaw nila na agawin sa paniniwala kay Cristo at kay Santa María ang ganongpag-aakala.
      Bagamat alam ng Emperador ng Japon na ang Catolicismo Cristiano ay dinadala ng mga Misionero at Fraile mula sa Filipinas, binantaan nito ang pakikipagdigma sa mga Español at Filipino na mga Católico. Pero, ang pagbantang iyon di natupad dahil namamatay palagui ang mga Emperador na Japon, tulad ni Hideyoshi, bago nila mapaghandaan ang pagsalakay sa Filipinas.
      Nang masakop ng mga Americanong WASP ang Filipinas, ang galit ng mga Japón sa mga Católico lumipat sa mga Mason na mga Americano. Ang Masoneriya tinuring ng Emperador ng Japón bilang isang mapañganib na paniniwala dahil lihim nito na pinaplano ang pagbagsak ng ekonomiya ng Japón sa pamaguitan ng pagkontrola, ng mga Americanong WASP na Mason, ng pagpadala (suply) ng crudo sa Tokio.
      Ang ilaw at ang electricidad na nagpapatakbo ng mga fabricang Japones umaasa sa crudo na ini-importa ng mga Japonés mula sa mga bansang Arabo. Ang mga barkong Japon dumadaan sa kanal ng Singapore Straight na kontrolado ng mgaInglés at Kanó.
      Dumadaan din itong mismong mga barkong Japones sa South China Sea ng Filipinas na kontrolado din ng mga Kano at Ingles ng Hong Kong. Nang inipit ng paunti-unti itong "oil supply", o crudo, para sa Japón nagsimula ang Pañgalawang Digmaan ng Mundo (World War Two) sa Asia. Binombahan ng Japon ang Pearl Harbor at nilusob ang Filipinas na iniwanan naman kaagad ng mga Kanong WASP dahil sa takot sa Hapón.
      Mapayapa ang pagpasok ng Japonés sa Maynila dahil walang karahasan. Pinatatag ng mga Japon ang Pañgalawang Repúblika ng Filipinas kung saan inalis nila ang wikang Ingles bilang wikang Oficial at pinairal ang Tagalog bilang wikangpambansâ.
      Pero, napansin ng mga Hapón na ang pag-iisip ng maraming Filipino ay pumapanig pa rin sa mga Amerikanong WASP na tinuturing nilang matinding kalaban ng kanilang pambansang ekonomiya. Hindi maintindihan ng mga Hapón kung bakit pumapanig pa sa mga Kanong WASP ang karamihang Filipino samantalang dapat malaman ng mga ito ang karahasan at sukdulang kalupitan ng mga Kano sa kanila nuong nakaraang digmaang Pilipino-Amerikano ng periodong 1898-1907.
      Si General Artemio "El Víbora" Ricarte ay isang pinuno ng hukbo ng Unang República na ayaw sumukô sa mga Kanong WASP nuong 1900. Minabuti niyang maglipat muna sa Japón ke sa magpasailalim sa pamahalaan ng mga Kanong WASP na tumagal hanggang 1942, panahon ng Hapón.
      Nabubuhay si Ricarte sa Tokio bilang profesor ng wikang Español. Hiniñgi ni Ricarte sa mga Japón na tuluñgan ang mga Filipino na lumaya sa hawak pang-ekonomiko ng mga Kanô. Nagbalik si Ricarte sa Filipinas kasama ang mga fuerza ng Japón. Tinuring ni Ricarte ang mga Japón na takipagligtás ng Filipinas sa paniniil na pang-ekonómiko ng mga Kanong WASP.
      Sa periodong 1944-1945, at nang maramdaman na ng mga Japones na sila'y matatalo sa pakikipagdigma sa mga Amerikanong WASP, lumabas ang kanilang karahasan at kalupitan laban sa mga Filipino. Sa kabila nito, at pagkatapos ng Digmaang iyon, ang tulong ekonomiko ng mga Kano na dapat maibigay sa muling pagpatayo ng ekonomiya ng Filipinas, binigay muna sa mga Japón. Dahil diyan, lumagô ang ekonomiya ng Japón hanggang nadatnan nito ang maguiguing isang potensiya ekonómika (economic power) sa mundo.
      Samantala, ang ekonomiya ng mga Filipino pinabayaan na matuyô ng mga mismong Kanong WASP. At bilang hudyat ng kanilang pag-aayaw sa pagtulong sa muling pagpatayô ng ekonomiya ng Filipinas, pinipilit pa nila na mañgutang ang mga Presidenteng Filipino sa kanilang mga banco tulad ng World Bank at IMF, upang mapagperahan pa ang mganamumulubing Filipino.
      At ang Presidenteng Filipino na ayaw sumunod ng pagdiktang WASP sa politika ng kapuluan, pinapasamâ nila sa pamaguitan ng pagpataas ng gasolina at ng lahat na bilihin sa bansa.
      Dahil sa hindi pinapaalam ng diario't televisión ang tunay na guinagawâ ng mga WASP sa ekonomiya ng Filipino, ang pinagbibintañgan ng sambayanang Filipino sa pagbabagsak ng ekonomiya ay ang kanilang Presidente at hindi ang mga tunay na salarin na siyang mga WASP.
      Dahil sa pagbibintang sa Presidente, nahahati ang taong bayan sa dalawang partido at ito sila'y nag-aaway sa pamaguitan ng mga demostrasyon sa mga kalye at liwasan. ggr_flamenco@hotmail.com

Anteriores: Ang karahasan sa historia ng Filipinas (1) (2)
Continuación: Ang karahasan sa historia ng Filipinas (4)

( Guillermo Gómez Rivera es Académico Coordinador de la Academia Filipina, Manila )


Collaborations/Colaboraciones:
Influencia asiática en el chabacano, & José Balmorí, & The Filipino State, & Estadísticas: El idioma español en Filipinas, &
El idioma criollo de Filipinas, & Mabuhay, Gloria Macapagal, & Literatura hispano-filipina, by Guillermo Gómez Rivera
Paulino Alcántara the Pilipino-Spanish football player, by Ian Estenor;   La Academia Filipina, by Tony P. Fernández
Presentation of the Book "Rizal According to Retana" (1) (2) (3) by Liz Medina;
Why the Spanish has disappeared from the Philippines?, by Jess Mendoza;  
Filhispanic Activism & El fenómeno hispano en Filipinas, by José Perdigón

Editorials (Esp & English): ¡Hola! ¿Kumustá? & Philippines (1898-1946): The re-colonization drama & Phlippines, Spain, Iraq ...Against the war
Spanish Newspapers   Spanish Magazines   Links/Enlaces   Letters 2001
What about Spanish?   Have you lodge?   "Pilipino-castila" names
Spanish by jokes   Yo te diré (book)   Cine   Tuna
J. Rizal
kaibigan kastila